-- Advertisements --
Nagpasya si Australian tennis player Nick Kyrgios na hindi na maglaro sa Tokyo Olympics.
Sinabi ng 26-anyos na tennis star na ayaw niyang maglaro sa bakanteng court o walang mga manonood.
Dagdag pa nito na hindi madali ang nasabing desisyon dahil sa noon pa man ay pangarap niyang maglaro sa Olympics ay irepresenta ang bansa.
Alam niya sa sarili na hindi niya kaya maglaro sa bakanteng playing court.
Magugunitang nagdesisyon ang Tokyo Olympics organizers na walang audience na papayagang manood sa mga laro dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.