-- Advertisements --

Sinimulan na ng Australian navy ang pagliikas sa halos 1,000 katao na stranded sa New South Wales dahil sa banta ng mas malalang pagkasunog ng kagubatan sa naturang lugar.

Libo-libong bakasyunista ang napilitang umalis sa mga national parks at tourist areas sa NSW south coast at silangang bahagi ng Victoria bago pa man magbago ang klima sa darating na Sabado.

Unang beses na nagdeklara ang Victoriua ng state of disaster na nagbigay kapangyarihan sa mga otoridad upang pakiusapan ang kanilang mamamayan na lisanin na ang kani-kanilang mga bahay. Tulad din ito ng itinaas na state of emergency sa NSW.

Sinabi ni Andrew Crisp, emergency management commisioner ng Victoria, hinikayat umano nila ang mga tao na kaagad iwan ang kanilang mga lugar at huwag umasa sa swerte upang maiwasan ang kahit ano pang kapahamakan.

“This is your opportunity to get out. It is not just the fires we know. It is the new fires that might start today,” saad ni Crisp.