-- Advertisements --

Nagpasya si Australian WNBA star player Liz Cambage na hindi maglaro sa Tokyo Olympics.

Ayon sa Australian Olympic Committee (AOC) na nirerespeto nila ang desisyon ng 2021 WNBA All-Star na hindi makilahok sa Olympics.

Sa kaniyang social media sinabi ng Las Vegas Aces player na dumaranas siya ng mental health problems at nababahala siya sa ‘bubble Olympics’.

HIndi aniya nito gusto na maglaro na walang manonood na kaibigan, pamilya at mga fans kaya ito rin ang bumabagabag sa kaniya.