-- Advertisements --
Plano ng Austria na gawing compulsary ang COVID-19 vaccination.
Dahil dito ay magiging kauna-unahang bansa sa Europa ang Austria na gawing mandatory ang pagpapabakuna na magsisimula sa buwan ng Pebrero.
Sinabi ni Chancellor Karl Nehammer na ang hindi magpapabakuna ay mahaharap ang mga ito ng mabigat na kaparusahan.
Aabot na kasi sa mahigit 71 percent sa populasyon ng Austria ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Pumalo na rin sa mahigit 14,000 ang nasawi at mahigit 1.4 milyon COVID-19 cases ang naitala sa nasabing bansa.