-- Advertisements --
Maghihigpit ang gobyerno ng Austria sa mga hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccines.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa mabagal ang ginagawang pagpapabakuna ng mga residente ng bansa.
Sinabi ni Austrian Chancellor Alexander Schallenberg na ipapatupad ang stay-at-home order sa mga unvaccinated kapag umabot na sa 30% ang intensive-care beds dahil sa COVID-19.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa 21% na ang ICU occupancy rate base na rin sa Austrian Agency for Health and Food Safety (AGES).
Nauna ng pinagbawalan ang mga unvaccinated na mamamayan na magtungo sa mga entertainment venues, restaurants, hairdressers at iba pang pampublikong lugar.
Isa kasi Austria na may pinakamababang bilang ng mga nababakunahan na umaabot lamang sa 65%.