Nakatakdang isagawa sa Graz, Austria ang FIBA 3×3 Olympic qualifying tournament (OQT) sa Mayo 26 hanggang 30 ng susunod na taon.
Ayon sa FIBA, ito ang unang opisyal na FIBA 3×3 competition sa Austria.
Nasa 40 teams, na binubuo ng 20 sa men’s at 20 sa women’s, mula sa 36 na iba’t ibang bansa ang maghaharap-harap sa kompetisyon.
Nakataya sa laban ang anim na puwesto para sa Tokyo Olympics kung saan tigtatlong men’s at women’s teams ang makapapasok.
Sasabak din sa torneyo ang Pilipinas kung saan magiging kinatawan sina Alvin Pasaol, Joshua Munzon, CJ Perez, at Moala Tautuaa.
Itinuturing na highest-ranked 3×3 players ng Pilipinas sina Munzon at Pasaol; samantalang si Perez at Tautuaa ay bahagi ng national team na nagwagi ng gold sa 3×3 sa 2019 Southeast Asian Games.
Kasama ng Pilipinas sa Group C ang Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic.