-- Advertisements --

Magpapatupad ng national COVID-19 lockdown ang bansang Austria.

Magsisimula ito sa Nobyembre 22 at magtatagal ng hanggang 20 araw.

Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa isang araw matapos na ihayag ng mga opisyal na kanilang isasailalim sa lockdown ang mga hindi pa nabakunahan laban sa COVID-19.

Isinagawa ang lockdown matapos na magtala ang Austria ng 15,809 na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Isang dahilan aniya ng pagtaas ng kaso ay ang mabagal na vaccination program ng kanilang gobyerno.