-- Advertisements --
Lumakas ang panawagan sa gobyerno ng Austria na magpatupad ng lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Isa kasi ang Austria sa may mababang vaccination rate kung saan aabot lamang sa 66% ng kanilang populasyon ang nabakunahan na.
Dahil sa panahon na ng tag-lamig kaya nararapat aniya na magpatupad na sila ng lockdown.
Magpupulong pa ang mga governors ng Austria kasama si conservative Chancellor Alexander Schallenberg at Health Minister Wolfgang Muekstein para sa nasabing hakbang.