-- Advertisements --

Nagbitiw sa puwesto ang Chancellor ng Austria na si Sebastian Kurz matapos ang imbestigasyon sa kaniya dahil sa corruption scandal.

Pinili nitong papalit sa kaniyang puwesto si Foreign Minister Alexander Schallenberg.

Si Kurz at siyam na iba pa ay iniimbestigahan matapos ang ginawang raids sa kaniyang bahay na konektado sa conservative People’s Party (OVP).

Mariing pinabulaanan nito ang paggamit ng pondo ng gobyerno para matiyak ang positive coverage sa mga dyaryo.