-- Advertisements --
Nagkampeon si Austrian cue artist Albin Ouschan sa Champion of the World.
Ito ay matapos na talunin niya si Omar Al Shaheen ng Kuwait.
Nakuha ng Austrian player ang score na 13-9 para maging two-time champion ng torneo.
Una kasing nagkampeon ito noong 2016 at ngayong 2021.
Samantala nagtapos ang kampanya ni Filipino cue artist Roberto Gomez sa World Pool Championship.
Tinalo kasi siya ni Skyler Woodward ng US sa 11-5 sa laro na ginanap sa Marshall Arena sa Milton Keynes sa England.
Hawak ni Gomez ang kalamangan 5-2 sa simula ng alro subalit umarangkada ang American cue artist at naitabla ang laro 7-7.