-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Austrian government ang pagsusuot ng face masks dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.
Ayon kay Chancellor Sebastian Kurz, simula sa Lunes ay dapag magsuot ng face mask ang mga tao na nasa kanilang establishimento at mga pampublikong gusali.
Kasama ang pagsusuot ng face masks sa mga school corridors pero hindi sa loob ng classrooms.
Inanunsiyo nito ang bagong patakaran sa pagtitipon sa mga publiko.
Magiging limitado lamang sa 50 katao ang papayagan magtipon sa indoor at 100 naman sa outdoors.
Umaabot na kasi sa mahigit 32,000 na kaso ng coronavirus ang nadapuan sa Austria kung saan mayroong 750 na ang nasawi.