-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin si Austrian President Alexander Van der Bellen dahil sa paglabag sa coronavirus-related curfew.

President Alexander Van der Bellen
President Alexander Van der Bellen/ Twitter Image

Umani kasi ng batikos ang 76-anyos na pangulo matapos na magtungo ito sa restaurant sa Vienna bago ang closing time na nakamandato sa lockdown.

Paliwanag nito na hindi niya namalayan ang oras habang kausap ang mga kaibigan sa Italian restaurant.

Sinabi nito na isang pagkakamali ang kaniyang nagawa at labis itong nag-sorry.

Nakita kasi ng mga kapulisan ang nasabing pangulo kasama ang asawa at dalawang kaibigan sa isang restaurant sa madaling araw na malinaw aniya na paglabag sa curfew.