-- Advertisements --

Itinanggi ni Australian Attorney General Christian Porter ang alegasyon na panggagahasa nito.

Sinabi nito na pawang imbento lamang at walang ebidensiya na nagpapatunay na ginawa nito ang insidente.

Handa aniya itong bumaba sa puwesto sakaling mapatunayan ang rape alegasyon laban sa kaniya.

Lumabas ang nasabing usapin ng dumulog sa Prime Minister’s office ang biktima.

Lumapit din aniya ang mga biktima sa dalawang babaeng pulitiko mula sa opposition Labor at Green parties.

Tiniyak naman ni Prime Minister Scott Morrison na iimbetigahan ang nasabing alegasyon laban sa attorney general.