Nakikipagtulungan na ngayon ang Philippine National Police sa kanilang mga counterpart kung totoong uniporme People’s Liberation Army ng China ang nakuha sa isang POGO Hub sa Porac, Pampanga noong nakalipas na linggo.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, nais lamang matukoy ng pulisya nag “authenticity” nito.
Naniniwala ang pulisya na maaga pa para gumawa ng anumang ispikolasyon at konklusyon hinggil sa naturang usapin.
Pumanig naman ni Fajardo sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines na kung saan sinabi na posibleng props lamang ito.
Sinabi rin ng AFP, na baka layon lang nitong manakot na may kinalaman sa kanilang ilegal na akribidad.
Kung maaalala, kinumpirm na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na nakakuha sila ng mga kagamitan umano ng Chinese military.
Kabilang na rito ang uniform ng PLA, China Flag, at iba pang paraphernalia