-- Advertisements --
Nagtakda ang Senado ng necrological service sa Setyembre 18, 2019, para gunitain ang alaala ng kauna-unahang author ng anti-drug law sa Pilipinas na si dating Sen. Jesus Marino “Rene” Espino, 89.
Nabatid na si Espina ang bumalangkas ng Republic Act No. 6425 o kilala rin bilang Dangerous Drugs Act of 1972.
Bago naging senador, nanilbihan din siya bilang gobernador ng Cebu at miyembro ng United Nationalist Democratic Organization.
Sa edad na 33, naging pinakabatang administrator siya ng Social Security Services sa panahon ni dating Pangulong Diosdado Macapal.
Binawian ng buhay si Espina dahil impeksyon at karamdaman, habang nasa isang private hospital sa Cebu City noong Biyernes.