-- Advertisements --

Pinasalamatan ng ng principal author ng Expanded Maternity Leave (EML) ang mga ahensya ng pamahalaan at labor groups na bumalangkas sa kalalabas pa lang na implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, magandang balita ito ngayong Labor Day, lalo na para sa mga manggagawang ina at magiging ina pa lamang.

“I would like to thank the Department of Labor and Employment (DOLE), the Social Security System (SSS), the Civil Service Commission (CSC), the different legislative offices, labor groups and other relevant agencies for tirelessly working to craft and finalize the law’s IRR,” wika ni Hontiveros.

Base sa naisabatas na Expanded Maternity Leave, binibigyan ang isang bagong panganak na nanay ng 105 araw para makapagpahinga at maalagaan ang kaniyang sanggol.

Maaari namang magamit ng isang ina ang karagdagang 15 araw na leave kung siya ay walang katuwang sa buhay o “solo mother.”

Dahil sa pagkakabalangkas ng IRR, inaasahang maipatutupad na ito sa buong kapuluan.