-- Advertisements --

Narekober ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang ilang dokumento mula sa sinalakay na illegal Philippine Offshore Gaming Operators hub sa in Porac, Pampanga .

Ayon sa ahensya, ito ay nakapangalan sa isang Dennis Cunanan na umanoy tumatayong authorized representative ng Lucky South 99.

Sa isang panayam , sinabi ni PAOCC spokesman Winston John Casio na patuloy nilang bineberipika kung totoong si Cunanan ang authorized representative ng naturang kumpanya.

Si Cunanan ay nagsisilbi bilang director general ng Technology and Livelihood Resource Center.

Hinatulan na ito ng Sandiganbayan ng 26 na pagkakakulong noong February ng taon ito dahil sa umanoy pagkakasangkot niya sa maraming kaso ng pork barrel fund activities.

Tiniyak naman ni PAOCC spokesman Winston John Casio na kanilang susuriing mabuti ang naturang mga dokumento.