Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang Senate Bill No. 1324 na naglalayong maglagay ng Automated External Defibrillators (AED) sa mga pampubliko at pribadong lugar.
Ayon sa Senador, ang atake sa puso ang isa sa mga pangunahing karamdaman sa bansa na nagdudulot ng agarang kamatayan sa mga Pilipino, pero maaari pa ring mailigtas ang buhay kung maaagapan ito.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinukoy ni Lapid na umabot sa 77,173 Pinoy ang nasawi dahil sa Ischemic heart disease, 77,173 mula January hanggang September 2022.
Sabi pa ng PSA umaabot sa 12.7 percent ng mga kaso ng cardiac arrest ay nangyayari sa Pilipinas kaya ito itinuring na “top killer disease” sa mga Pilipino.
Isinulong ng Senador ang panukala bilang pakikiisa ng Pilipinas sa international community sa pagdiriwang ng World Heart Day sa September 29.
Gagawin naman aniyang mandatory sa mga pampubliko at pribadong lugar ang paglalagay ng AEDs at magkakaroon din ng pagsasanay ang mga kawani o first-aid teams sa bawat lugar.
Sinuportahan naman ng Philippine Heart Association (PHA) at ng Philippine College of Cardiology (PCC) ang bill.