-- Advertisements --

VIGAN CITY – Naniniwala ang dating kalihim ng Department of Health na kung mas maaga sanang nag-acquire ng Automatic Extraction Machine ang pamahalaan ay hindi sana masyadong na-exhaust sa COVID-19 ang mga health workers.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Iloilo Rep. Janette Garin, sinabi nito na sa pamamagitan ng nasabing makina, mababantayan ang pag-test sa mga specimen o samples ngunit hindi direktang pakiki-alaman ng mga health workers.

Sa kabila nito, laking pasasalamat pa rin ni Garin na mayroon ng ginagawang hakbang ang pamahalaan upang maiwasang madagdagan ang bilang ng mga health workers na nagpopositibo sa nasabing sakit.
Sa ngayon, dumating na umano ang mga nasabing makina na binili ng pamahalaan at kasalukuyan nang ini-install upang magamit na sa lalong madaling panahon.

Muli ring ipinaalala ng opisyal na ugaliin pa rin ang pagsunod sa mga ipinalabas na health protocols kagaya na lamang ng pagsunod sa social/physical distancing, proper hygiene at iba pa hanggang sa wala pang bakunang napapatunayang makakapuksa sa virus at hanggang sa hindi pa nagiging normal ang sitwasyon sa bansa.