-- Advertisements --
Tiwala ang grupong AutoPro Pangasinan na makakabawi ang kanilang hanay kapag nagsimula ang full implementation ng face to face classes.
Ayon kay Bernard Tuliao, Presidente ng nabanggit na samahan na makakadagdag sa kanilang kita ang pagdagdag ng mga estudyante sa kanilang mga pasahero.
Aniya, ito ay dahil malaki ang bilang ng mga estudyante na nagko-commute.
Bukod pa rito, mainam din kung magiging consistent ang pagkakaroon ng rollback sa presyo ng gasolina, at pagpapatigil sa pag-iral ng oil deregulation law.
Hiling din nila sa Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos na isuspinde muna ang jeepney modernization lalo na at marami pa ang hindi kaya na pumundo para sa naturang kautusan kung sakali.