-- Advertisements --

Ibinunyag ni PLt. Dante Espejon, Deputy Commander ng Bunawan Police Station na may resulta na ang isinagawang autopsy sa bangkay ng isang lalaki na pinaniniwalaang apat hanggang limang araw nang patay at natagpuang nakaburol sa Gatungan, Bunawan, Davao City.

Ayon sa inisyal na resulta ng autopsy, tinamaan ng mabigat at matigas na bagay ang dibdib ng biktima dahil sa nabali nitong tadyang.

Bukod dito, may nagtungo na rin sa punerarya upang tingnan ang bangkay ngunit nahirapan silang malaman ang bangkay dahil nasa state of advanced decomposition na ang katawan nito.

Sa ngayon, umaasa pa rin ang pulisya na malalaman ang pagkakakilanlan ng biktima at bahagi nito dahil hindi pa naman nila naitapon ang suot nitong damit na rason para madaling makilala kapag may dumalaw sa bangkay.

Matatandaang nakasuot ng cargo short at black and white stripes na t-shirt ang biktima.