-- Advertisements --
SLEX

Nagdulot nang matinding trapiko sa South Luzon Expressway (SLEx) ang hindi gumanang mga tag reader.

Ito ay dahil sa nasirang fiber optic cable sa Autosweep radio frequency identification (RFID) system.

Ang Autosweep RFID electronic toll collection (ETC) system ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng San Miguel Corporation (SMC).

Ang mabigat na trapiko ay umaabot hanggang sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway.

Bukod sa SLEx, ang ibang mga tollway na pinatatakbo ng SMC tulad ng STAR, Ninoy Aquino International Airport Expressway (NaiaX), at Skyway ay nakaranas din ng mga problema sa kanilang RFID-linked electronic toll tag readers dahil lahat ng ito ay gumagamit din ng Autosweep RFID system.

Ipinaliwanag naman ng SLEx at SMC Infrastructure na ang error ay na-trace sa mga may sira na Autosweep RFID tag reader na naapektuhan ng sirang fiber optic cable.

Idinagdag ng SMC Infrastructure na naibalik na ang operasyon nito sa pagkolekta ng electronic toll.