Nahuli ang isang AUV na sasakyan na rehistrado sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na dumaan sa bus lane sa EDSA at hindi umano’y tinangka pang sagasaan ang isa sa mga enforcer.
Sa inilabas na bidyo ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOtr-SAICT) sa kanilang social media account, makikitang hinarang na ng mga otoridad ang sasakyan nang bigla naman itong umabante at nagtangka pa umanong sagasaan ang isang enforcer.
Agad naman na natiketan ang driver ng sasakyan na hindi muna pinangalanan ng ahensya. Kasalukuyan namang nahaharap ito sa mga violations ng Reckless Driving at Disregarding Traffic Signs.
Sa ngayon umabot na sa 40 motorista ang nabigyan na ng Temporary Operator’s Permit (TOP) dahil sa iba’t ibang mga paglabag sa batas trapiko.