-- Advertisements --
Nasa 28 na ang patay sa nangyaring avalanche sa isang lungsod sa Nyingchi sa southwestern region ng Tibet.
Sa ngayon patuloy ang rescue operation sa mga biktima.
Nagpadala ng 1,348 individuals ang local authorities kasama na ang 236 equipment upang tumulong sa paghukay ng isang rescue passage na 7.5 kilometro (4.66 milya) ang lalim.
Maliban sa namatay, nasa 53 survivors ang na-rescue kung saan nasa lima ang nasa kritikal ang kondisyon.
Naganap ang avalanche sa isang bahagi ng kalsada sa pagitan ng Pai village sa Mainling county at sa labasan ng Doxong La tunnel sa Medog county kung saan ang mga tao at sasakyan ay na-stranded.