-- Advertisements --

Masyado pa raw maaga para malaman kung ang gamot na Avigan ay magiging epektibo bilang panlaban kontra COVID-19.

Ayon sa mga naglabasang sources, kailangan pa raw aralin ng mabuti ng Japanese third party ang clinical trials para sa nasabing gamot.

Kasalukuyang ginagawa ang clinical trials sa 86 katao na infected ng coronavirus. Sila ay naka-admit ngayon sa Fujita Health University Hospital sa Aichi prefecture at iba pang medical institutions.

Hinati ang mga pasyente sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay kaagad binigyan ng Avigan sa kanilang unang araw sa ospital habang ang ikalawang grupo naman ay noong sumapit ang kanilang ika-anim na araw sa ospital ay saka lamang sila binigyan ng parehong gamot.

Sa ngayon ay patuloy na kinukumpara ng mga researchers ang dalawang grupo base sa kung gaano kabilis na bumaba ang rate infection ng mga ito sa ika-anim na araw.

Una nang nagpahayag ang health ministry ng Japan na kanilang pabibilisin ang proseso para kaagad na maaprubahan ang Avigan.

Ang Avigan ay ginagamit bilang anti-flu drug na dinevelop naman ng isang Japanese company.