-- Advertisements --
Tinapos na ng singer na si Avril Lavigne ang usap-usapan na pakikipagrelasyon nito sa rapper na si Tyga.
Ito ay matapos na makita ang halikan ng dalawa ng dumalo ang mga ito sa Paris Fashion Week.
Nagsimula ang paghinala ng mga fans na may relasyon ang dalawa ng makita ang singer na dumalo ito sa concert ng rapper.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay kinumpirma ng singer na si Mod Sun na hiwalay na sila ni Lavigne.