-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bumisita sa bayan ng Midsayap Cotabato ang award-wining Actor/Comedian at Director na si Epy Quizon.

Ito ay upang makipag-dayalogo sa mga pribadong sektor hinggil sa pagpapalago ng industriya ng pelikula at telebisyon sa bayan.

Isa din sa dahilan ng kaniyang pagpunta ay upang mai-promote ang kaniyang ‘multi-awarded’ film na ‘Bukal’ kung saan ang istorya nito ay hango sa digmaan at kapayapaan sa Mindanao.

Kabilang sa mga awards na natanggap ng pelikula ay ang Best Director for Short Film, Best Foreign Film at Best Ensemble Cast sa Cannes World Film Festival; Best Foreign Language Film of the Month at Best Production Design for Mark Sabas sa Independent Shorts Awards; at Best Short Film, Best Indie Short, Best War Film, Best Director, Best First Time Director, Best Producer, Best Ensemble Cast, Best Cinematography, Best Makeup, Best Sound Design at Best Editing sa Oniros Film Awards-New York.

Kasama niya sa pagbisita si Jourdan Sebastian, writer at direktor ng The Art of Ligaw na pinagbibidahan nina Quizon, KZ Tandingan at Long Mejia at writer din ng pelikulang Scaregiver (2008) na pinagbibidahan nina Jose Manalo at Wally Bayola ng Eat Bulaga!.

Dumalo din sa pagtitipon sina Midsayap Mayoralty Candidate Rolly ‘Ur Da Man’ Sacdalan, Councilor Justine Clio Ostique, Local Economic Development and Investment Promotion Officer (LEDIPO) Jasmine Arabis, Midsayap Master Event Suppliers Association (MMESA) at Galing Sayap Group of Entrepreneurs (GSGE) sa pangunguna nina Maybelle Calungsod at Teresita Español.

Umaasa si Quizon na mas mapaunlad at mapalago pa ang film industry lalo na ang mga Indie and Short Films sa bayan.

Si Epy Quizon ay isa sa mga anak ng yumaong ‘King of Comedy’ na si Dolphy.