-- Advertisements --

May nakikita nang posibleng dahilan ang Manila Police District (MPD) sa pagsabog kaninang umaga sa may Arellano Police Community Precint (PCP) kung saan tatlong sasakyan ang napinsala.

Ayon kay MPD Spokesperson P/Supt. Edwin Margarejo, ang uamno’y away ng dalawang grupo mula sa Tuazon at Zapanta Streets ang siyang pokus ngayon ng imbestigasyon.

Sinabi ni Margarejo na sa inisyal na imbestigasyon, isang MP2 fragmentation grenade ang sumabog.

Kabilang sa mga nasirang sasakyan ay Fortuner, Ford Everest at motorsiklo.

Tinutugis na rin sa ngayon ng mga pulis ang suspek na naghagis ng granada.

Nilinaw naman ni Margarejo na ang insidente kaninang umaga sa Maynila ay walang kinalaman sa terorismo.

Wala namang naiulat na casualties sa pangyayari.