COTABATO CITY – Bumalik na ang kapayapaan at ang katiwasayan sa Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao matapos na naging matagumpay ang isinagawang rido settlement sa grupo nila Kapitan Guiaber Dalinding at Sadat Pasigan.
Hanggad ng dalawang grupo na matuldukan na ang kanilang clan fueds o rido dahil nahihirapan na ang kanilang mga nasasakupan at mga residente na naiipit sa gulo, gaya nalang ng pag pag-alis ng mga negosyate sa lugar na nagmistulang “ghost town” ang kanilang palengke.
“Nagpapasalamat kami kay Sultan Kudarat Vice Mayor Datu Shameem Mastura, dahil siya ang naging tulay para maayos ang problema dito sa aming barangay, mahirap kung hindi maayos dahil nahihirapan na kami sa aming pamumuhay, nahihirapan narin ang lahat ng tao, lalo na yung palengke namin, na yung iba ay nag transfer na sa ibang lugar, kawawa ang aming palengke dahil wala nang tao. Kaya nagpapasalamat talaga kami na naayos na ito, at natapos na din ang kaguluhan”. Ani Fatima Dalinding, asawa ni Kapitan Guiaber Dalinding.
Ang nasabing rido settlement ay sinaksihan nina, Sultan Kudarat Vice Mayor Datu Shameem Mastura, Cong. Bai Dimple Mastura, Saema Bayao Pasigan (Brigade commander of darapanan), Abu Saima (Member of CCCH, Top sider Director of maguindanao), Ameril “Tolets” Omar (Brigade Commander) at Mohammad “Bapa Oks” Balawag Daud(Headquarters Logestic Brigade Supply).
Matatandaan, na ilang buwan na ang nangyayaring kaguluhan sa lugar, na kung saan nagsisi-alisan na ang ilang residente dahil sa takot na madamay sa gulo ng dalawang grupo.
Sa ngayon, balik na sa normal ang lugar, at nagsisi-balikan na ang mga negosyante sa kanilang pamilihan dahil panatag na ang mga ito, na wala ng mangyayaring gulo sa Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao dahil sa rido.