-- Advertisements --
DAVAO CITY – Away sa lupa ang tinitingnan ngayon na anggulo ng otoridad sa pamamaril sa isang barangay kapitan sa Prk. 1, Brgy. Datu Salumay, Marilog District nitong lungsod.
Nakilala ang biktima na si Brgy. Kapitan Amado Mansabid, 55-anyos, residente sa nasabing lugar.
Ayon pa kay Capt. Philip Dave Uddin, station commander ng Marilog PNP na natutulog lamang ang biktima sa loob ng kanilang tindahan ng bigla na lamang pumasok ang isang lalaki na naka-helmet at binaril ang biktima gamit ang .45 caliber na sa siyang dahilan ng kanyang kamatayan.
Matapos ang nasabing krimen, agad na tumakas ang suspek sa palayo sa lugar.
Inaalam pa ngayon ng otoridad ang iba pang posibleng motibo ng nasabing krimen.