KORONADAL CITY- Naghihinagpis sa ngayon ang pamilya ng 20-anyos na binatilyo matapos kunin nito sariling buhay sa Brgy. San Isidro, Koronadal City.
Kinilala ang biktima kay Godwin Ivan Botaye Deimo, 20 anyos at residente ng Purok Maligaya, Brgy. San Isidro sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Alyas Totong, lolo ng nasabing biktima, mabait at tahimik umanong klaseng bata si Godwin.
Pagsasalaysay nito, bago paman nangyari ang insidente ay kanila pa itong tinawag upang pumunta sa isang handaang pampilya ngunit mas napili nalamang nitong magpaiwan sa pamamahay.
Dahilan na inutos nalamang nila dito ang pagpasok sa alagang baka.
Ngunit makalipas ang ilang oras ay hindi pa ito bumabalik na kanilang pinagtakhan.
Hinanap umano ito ng kanyang ina at gulantang nakita nalamang ang sariling anak na naka bitay gamit ang twine.
Dagdag pa, narinig rin umano ng magulang nito na noong araw ring yun ay may nangyaring pagtatalo sa biktima at sa karelasyon nito.
Samantala, nagpaalala na lamang ito sa mga kabataan na importante ang bawat buhay at huwag gagawin ang katulad na ginawa ng kaniyang apo.