CENTRAL MINDANAO-Inayos ni Pagalungan Maguindanao Vice-Mayor Abdilah “Abs”Mamasabulod ang di pagkakaunawaan ng grupo nila Kumander Datukan salibo,Kumander Dulo adtologanin at Kumander Maliga.
Matatandaan na matagal narin ang di pagkakaunawaan o alitan ng bawat grupo mula pa 2017 ang hidwaan nito.
Dahil gusto ng kapayapaan at pagkakaisa ay nangako ang bawat isa na kalimutan na ang di pagkakaunawaan at ibalik ang magandang relasyon dahil magkakamag-anak rin sila.
Apat na taon din nilisan o di naapakan ni kumander Dulo ang Lugar niya pero sa ngayong nalalapit na araw ng Sabado makakauwi na siya sa tulong ng LGU Pagalungan sa pamumuno ni Mayor Datu Salik Mamasabulod,militar,pulisya at ibang ahensya ng pamahalaan.
Kasama ni Vice-Mayor Abs Mamasabulod sa mga sumaksi sina kalbugan barangay Captain Sammy Abdul,kumander Badboy,kumander Magrib at Kumander Kebpeg.