CENTRAL MINDANAO – Painit na painit na ang sitwasyon sa labanan sa politika sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa ginanap na 50th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ay binanatan ni Maguindanao 2nd District Board Member King Jhazzer Mangudadatu si Provincial Administrator Odjie Balayman.
Naghamunan na rin ng debate at tila nagkakapersonalan na si BM King Mangudadatu at Admin Odjie Balayman para magkaalaman daw kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo at nagtatrabaho ng maayos sa Maguindanao.
Unang umugong na posibling magkakabangga sa darating na halalan ang iisang pamilya sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito’y sina Maguindanao incumbent Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu at dating governor at incumbent Maguindanao 2nd District Congressman Esmael ”Toto” Mangudadatu.
Umaasa ang lahat na sana maayos pa ng magkakamag-anak ang hidwaan nila sa politika