-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang dating pulis matapos manlaban sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation na nauwi sa armed confrontation sa Brgy. Del Carmen, San Jose, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Vicente Imperial, residente ng Bgy. San Antonio, San Jose, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na matapos makipagtransaksyon ng suspek sa poseur buyer ng mapansin nito ang presensya ng ilang opisyal na police kung kaya agad itong bumunot ng baril.

Agad umanong pinaputukan nito ang mga otoridad kung saan agad namang nakaipagpalitan ng putok ang mga otoridad resulta ng agad na pagkamatay nito.

Base sa imbestigasyon, nakumpiska sa suspek ang 40 pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, at P12,000 na buy bust money.

Samantala na-recover naman sa crime scene ang siyam na empty shells ng caliber 9mm, isang empty shell ng .45-caliber pistol at isang unit ng Springfield .45-caliber pistol na may isang magazine at apat na pirasong .45-caliber live ammunition.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.