-- Advertisements --

CEBU CITY – Ginising sa kanilang mahimbing na tulog ang ilang mga residente ng Sitio Labsalex sa Barangay Labangon, Cebu City, dahil sa sunog na naganap pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Sa panayam ng Bombo news team kay SFO1 Novo Erana, Cebu City Fire Investigator, sinabi nitong nakuha ng pulisya ang sinasabing AWOL na police na si Richard Sumalinog Tagadi-ad matapos na tinuro ito ng mga residente na siyang nagsunog ng mismong pamamahay nito.

Ayon kay Erana na nabalot sa bugbog ang nasabing dating pulis kaya agad itong kinuha at nasa kustodiya ngayon ng Labangon Police Station.

Dagdag pa nito, base sa mga kapitbahay ni Tagadi-ad, makailang beses na umanong tinangkang sunugin nito ang kanyang pamamahay.

Diumano’y ang dating pulis ay gumagamit ng iligal na droga.

Habang, inihayag ni SFO1 Erana na umabot sa P1.5 million ang danyos sa nasabing sunog kung saan tinupok ng apoy ang 80 bahay, wala namang naitalang namatay ngunit apat na katao ang sugatan.