-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang kaso ng actor na si Awra Briguela.
Bukod kasi sa kasong slight physical injury na isinampa ni Mark Christian Ravana sa Makati City Prosecutors Office ay mayroon pa itong tatlong kasong isinampa sa actor.
Kinabibilangan ito ng light threats, grave coercsion at violation of safe space act.
Sinabi ng abogado ni Ravana na si Atty. Nick Nangit, na mayroon silang malakas na kaso laban sa 19-anyos na actor at lahat aniya ito ay nakuha sa camera.
Magugunitang pansamantalang nakalaya ang actor matapos na ito ay pinayagang makapaghain ng piyansa.