-- Advertisements --
Personal na dumalo ang actor na si Awra Briguela sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kasong light threats, grave coercion at paglabag sa Safe Space Act na inihain sa kaniya.
Hinarap ng actor ang complainant sa pagdinig sa opisina ni Makati Senior Assistant City Prosecutor Hon. Arvin Amata.
Nagsumite ang actor ng kaniyang sagot sa unang affidavit na inihain ng nagrereklamo.
Ayon naman kay Atty. Nick Naingit ang abogado ng complainant na pag-aaralan nila ang rejoinder ng actor at hinihintay nila ang resolosyon kung maiaakyat na ito sa korte.
-- Advertisement --