-- Advertisements --
Amb Jose Manuel babes Romualdez DC
Ambassador Jose Manuel Romualdez

DAGUPAN CITY – Naging punong abala si US President Joe Biden sa kanyang unang araw sa opisina bilang bagong pangulo ng Amerika.

Todo agad ang trabaho nito upang asikasuhin ang pag-implementa sa mga bagong programa at plataporma ng kanyang bagong pamahalaan.

Iniulat ni Philippine Ambassador to Washington DC Jose Manuel “Babes” Romualdez sa exclusive interview ng Star FM Dagupan na kabilang sa maraming hakbang ni Biden ay ang kanyang panukalang stimulus plans na makakatulong din sa pamumuhay ng mga Pilipino sa Estados Unidos.

Ibinahagi pa nito na nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa gobyerno ng Amerika patungkol sa naturang stimulus package.

Sinabi rin nito na inaasahan nilang ito ay maaprubahan at mapipirmahan sa lalong madaling panahon.

“So, tingin nila mas stable ang gobyerno ni President Biden dahil mayroon silang stimulus package. Pipirmahan niya and hopefully maa-approve ‘yun at ibibigay nila sa lahat ng mga Filipinos o Fil-Ams. Marami tayong mga nawalan ng trabaho, so it would benefit them,” ani Romualdez sa Star FM at Bombo Radyo.