-- Advertisements --
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-7) ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at family food packs para sa unang batch ng retrenched workers ng Mactan Economic Zone (MEZ) na isinagawa sa Lapu-Lapu City Hoopsdome.
Ang 4,203 idibidwal na apektado ngretrenchment program ay tatanggap ng family food packs at cash na P2,000 hanggang P5,000 bawat isa depende sa tagal na nito sa trabaho.
Una nang ibinunyag ni DSWD-7 Director Shalaine Lucero sa isang press conference na naglaan ang kanilang departamento ng P21 milyon para sa cash aid at P2.3 milyon para sa food packs.