-- Advertisements --

Mabibigyan na ng ayuda ang mga naninirahan sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inapubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng tig-P1,000 kada tao at maximum na P4,000 sa bawat pamilya.

Ayon kay Sec. Roque, kukuhanin ang pondo sa assistance to individual in crisis situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang sa mga mabibigyan ng ayuda ay ang mga nasa Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City, Gingoog City at Misamis Oriental.

Inihayag ni Sec. Roque na nariyan na ang ayuda kaya wala nang dapat ipag-alala pa ang mga kababayan nating apektado ng pinakamahigpit na quarantine classification.