CAUAYAN CITY- Puntirya ng DOLE na maibigay ang ayuda mula sa TUPAD program hanggang sa ikalabing siyam ng Disyembre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa P19 billion na inilaang tulong sa mga manggagawa sa Bayanihan 2 ay P4 billion para sa mga informal workers.
Batay sa naturang batas ay kailangang maibigay ang naturang tulong bago ang December 19, 2020.
Sa ngayon ay 40%apatnapong bahagdan na ang kanilang naibigay at sisikapin nilang maipamigay bago matapos ang naturang araw.
Pinakamaraming benepisaryo ng TUPAD program ang Metro Manila habang ang pangalawa ay ang ikatlong Rehiyon at pangatlo ang ikalawang rehiyon.
Aniya, apat na raan at limampong milyong piso ang inilaan niya sa Region 2.
Ayon pa kay kalihim Bello, bukod sa naturang programa ng DOLE ay mayroon ding tatlong bilyong piso na inilaan para sa mga Overseas Filipino Worker o OFW na narepatriate o nawalan ng trabaho.
Makakatanggap ang bawat isa ng sampong libong piso.
Tulad ng TUPAD program ay kailangan din nila itong maibigay hanggang sa December 19, 2020.
Sinabi pa ng kalihim na tinututukan din nila ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga employer sa kanilang mga empliyado dahil kailangang matanggap na ng mga manggagawa ang kanilang bonus bago ang December 24, 2020.