BUTUAN CITY – Patuloy ang pamimigay ng ayuda ng mga personahe sa Department of Social Welfare and Development o DSWD-Caraga sa mga lalawigan ng Caraga Region na na-apektuhan ng magnitude 7.4 na linog sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur nitong Disyembre a-2.
Sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center kon DROMIC, umabot na sa ₱21.5-milyones na halaga ng humanitarian assistance ang naibigay sa mga apektadong lugar sa Caraga at Davao Regions.
Bago ito ipinamimigay ay ininspeksyon munang mabuti ang mga Family Food Pack sa regional warehouse upang matiyak ang kalidad ng mga ito para sa mga disaster-affected families.
Ang nasabing inisyatiba ay regular na ginagawa upang masiguro na tama at nasa highest standard ang mga relief goods na ipinamimigay lalo na ang expiration date at quantity ng mga ito.