-- Advertisements --
Pasok na sa ikaapat na round ng French Open si Victoria Azarenka matpaos na talunin si Madison Keys ng US.
Walang kahirap-hirap na nagtala ang Belarusian tennis player ang score na 6-2, 6-2 na siyang unang pagkakataong makapasok sa ikaapat na round mula pa noong 2013.
Sinabi ng 15th seeded player na mula pa sa simula ay alam nitong magiging matindi ang laban.
Susunod naman na makakaharap nito si Anastasia Pavlyuchenkova ng Russia.