-- Advertisements --

Inakusahan ng Azerbaijan ang Armenia na nasa likod ng missile attack na ikinasawi ng 21 katao.

Ito ang itinuturing na pinakamadugong pang-aatake sa pinag-aagawang rehiyon.

Mariing pinabulaanan ng Armenia ang nasabing akusasyon.

Sa pagtaya ni Azerbaijan presidential adie Hikmet Hajiayev na isang uri ng Smerch missiles ang pinakawalan ng Armenian forces.

Tumama aniya ito malapit sa shopping center kung saan maraming mga tao na sanhi rin sa pagkakasugat ng 70 iba pa.

Magugunitang noong Martes ay nagsagawa rin ng missile attacks ang Armenia sa Barda district na ikinasawi ng apat na sibilyan.