-- Advertisements --

Nagmatigas si Azerbaijan President Ilham Aliyev na hindi sila aalis sa pinag-aagawang teritoryo hanggang hindi umaalis ang mga Armenian forces.

Ayon sa nabanggit na pangulo na, ito ang kanilang kondisyon bago sila tuluyang umalis sa Nagorno-Karabakh region.

Ang nasabing rehiyon ay bahagi ng Azerbaijan na ito ay pinamumunuan ng mga ethnic Armenians.

Magugunitang ilang sundalo ang nasawi sa pagsiklab muli ng kaguluhan sa nasabing rehiyon.