-- Advertisements --

Direktang inakusahan ni Azerbaijan’s President Ilham Aliyev ang Russia na sila ang nasa likod ng pagpapabagsak ng pampasaherong eroplano na ikinasawi ng 38 katao.

Sinabi nito na walang dapat na panagutin kung hindi ang Russia dahi sa malinaw na kanilang tinarget at napagkamalan ang nasabing Eroplano.

Magugunitang bumagsak ang Azerbaijian airlines malapit sa Aktau, Kazakhstan na ikinasawi ng 38 na katao.

Sinusuri na ng mga otoridad ang dalawang blackbox ng eroplano.

Una ng humingi ng paumanhin si Russian President Vladimir Putin subalit hindi nito inako ang nasabing insidente at handang tumulong umano ang Russia para sa imbestigasyon.