-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine national football team ng bansa na Azkals laban sa Cambodia 3-2 sa unang laban ng 2022 AFF Mitsubishi Electric Cup na ginanap sa Morodok Techo National Stadium in Phnom Penh sa Cambodia.

Unang nakapagtala ng goal si Yeu Muslim ng Cambodia sa loob ng 16 minuto na sinundan ni Orn Chanpolin sa pagpasok ng 20 minuto ng laro sa Group A match.

Bumawi ang Azkals sa pamamagitan ni Kenshiro Daniels sa 41 minuto bago ang pagtatapos ng first half.

Sa pagpasok ng second half ay naitabla ni Daniels sa 2-2 ang laban sa loob ng 55 minuto pero mabilis na binura ito ng Cambodia sa pamamagitan ni Reung Bunheing sa 59 minuto.

Susunod na makakaharap ng Azkals ang Brunei sa araw ng Biyernes na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.