-- Advertisements --
Philippine Azkals 2019
AFC Asian Cup 2019, Group C – Kyrgyzstan vs Philiippines at Rashid Stadium on 16.01.2019 (file photo)

Nabigo ang Philippine Azkals sa kanilang friendly game laban sa host country na China sa score na 2-0.

Ito rin ang unang laro ni Nico Yennaris ang unang foreign-born footballer na nagrepresenta sa China.

Ang 26-anyos na midfielder ay ipinanganak sa London na ang ina nito ay isang Chinese.

Naging malaking hamon sa Azkals ang laban matapos mapalabas sa court si Daisuke Sato na nakakuha ng pangalawang yellow card.

Unang nakapag-goal sa China ay si Wu Xi sa 14th minute na sinundan ng kanilang midfielder na si Zhang Xizhe sa loob ng 54 minute.

Pang 124 ang ranking ng Azkals habang nasa 74th naman sa buong mundo ang ranking ng China.