-- Advertisements --
Tinalo ng Philippine Azkals ang Maldives 2-1 sa kanilang joint qualifiers ng 2022 World Cup at 2023 AFC Asian Cup.
Ito na ang pangalawang panalo sa Round 2 ng joint qualifiers.
Naging susi panalo sina Lain Ramsay at John-Patrick Strauss.
Nakabangon ang Philippine football team sa second half sa larong ginanap sa Maldives National Football Stadium.
Nasa ranked 126 ang Azkals habang nasa ranked 154 ang Maldives.
Susunod na makakaharap ng Azkals ang Syria sa Martes na gaganapin sa Rashid Stadium sa Dubai.