-- Advertisements --

Nagtala ng kanyang kauna-unahang international goal ang Filipino German football player na si Gerrit Holtmann matapos na maipasok ang tanging goal ng Philippine Azkals laban sa host country Mongolia, 1-0, sa final round ng 2023 AFC Asian Cup Qualifiers na ginanap sa MFF Football Centre sa Ulaanbaatar.

Mistulang breakthrough goal ang nagawa ng Pinoy upang iposte ang 1-0 win.

Dahil dito abanse na ngayon ang Azkals sa Group B na may kabuuang four points at posibleng manatili sa naturang puwesto kung matalo ang Palestine sa Yemen.

Ang Palestine ay meron ng three points habang ang Yemen na nakaharap din ng Azkals sa goalless draw ay meron ng isang puntos.

Sa ngayon lumakas umano ang tiyansa ng Pilipinas na umusad sa ikalawang sunod na pagkakataon sa Asian Cup berth.

Ang panalo ng Azkals ay una rin para sa veteran American mentor Thomas Dooley na muling nagbabalik mula sa kanyang unang serbisyo noong AFC Asian Cup debut sa 2019.

Ang Azkals ay nahaharap sa must-win situation laban sa Palestine upang pormal na makabalik sa Asian Cup kung saan ang last qualifiers game ay gagawin na sa Martes.